Tuesday, April 10, 2012

Sanaysay ukol sa "Ang lakas ang iyong sandata, ngunit kapag ito'y inubos unti-unti ka ring nauupos"

Ang lakas ang iyong sandata dahil kung wala kang lakas, wala kang mailalaban, wala kang maisasagawa. Ang lakas natin ay ang ating kakayahan at abilidad sa paggawa ng mga bagay-bagay, kaya't kailangan natin ito araw-araw.

Ngunit ang lakas na ito ay hindi mananatili sa atin. Ito rin ay nauubos, (kaya) tayo rin ay napapagod. Kaya dapat ginagamit natin ito sa tamang paraan, at hindi natin ito sinasayang sa kung anu-ano. Dapat rin ito ang lakas na ito ay ating inaalagaan at ibinalik sa panahong ito'y nauupos na.

Kaya katulad ng isang matulis na sandata, ang ating lakas ay ang kakayahan na dapat bigyan ng importansya. Hindi man ito napapansin ang sandatang ito ay napupurol, ang enerhiya/lakas natin ay nauubos din at hindi rin tumatagal. Kung walang tigil na ginagamit ngunit maibabalik rin ay tulis nito kung ito'y aalagaan.

(i got 18/20 for this)

No comments:

Popular Posts