Tuesday, April 10, 2012

Ano nga ba ako sa taong 2010-2011

Kung dati, ako'y ansa isang tabi lamang, ngayon lakas loob na akong umaakyat sa entablado. Noong ako ay nasa ikaapat na baitang, ako ay sobrang tahimik at mahiyain. Sabi nga ng mga kaibigan ko, hindi daw ako nagsasalita kung hindi sila magsasalita. Ako yung batang mapag-isa at hindi mahilig makisama sa mga tao. Lalo na kapag may pagsasalo-salo sa aming bahay o, sa bahay ng lola ko. Lagi na lamang ako nasa sulok, habang ang mga pinsan ko ay masayang nalalaro. Nakikipaglaro lang ako kapag gusto ko, ngunit kadalasan nahihiya ako sumali sa kanila. Sa aking pamilya lang talaga ako malapit.

Hindi tumatagal medyo nagsawa na din ako sa pag-iisa, lalo na noong umabot ako ng unang taon sa sekundarya. Ang taong kung saan kailangna ko talaga maghanap ng kaibigan, lalo na't baguhan palang ako sa paaralang pinasukan ko. Noong mga unang araw, mag-isa alng ako na paikot-ikot sa canteen ng aming paaralan. Medyo nakakailang ngunit alam kong sa mga unang araw lang ito mangyayari. Hanggang sa nakilala ko si Rica. Si Rica ay katulad ko ring baguhan sa paaralan, ngunit mayroon na rin siyang kakilala rito (mga kaklase niya sa dating paaralan).Nakipagkilala ako sa kanya, at nakasama ako sa grupo nila.

Sumusunod-sunod na rin ang mga nagiging kaibigan ko, sa mga panahon na ako ang piniling magsolo sa choir, o di kaya maging bida sa aming presentasyon. Minsan nga rin ay ako ang napipiling maging lider ng isang grupo, kaya nasasanay na rin ako maging lider. Nawawala na rin ang pagiging mahiyain ko at lagi na akong nakikisama sa aking mga kaibigan. Dito ko naisip na mas marami kang mararating kung may lakas ka ng loob at tiwala sa sarili na makamit ito. Dapat din natin tanggalin natin ang ating pagiging mahiyain dahil mahirap ang sitwasyong wla kang kaibigan lalo na kung ikaw ay may problema, walang tutulong sa iyo, at walang magpapasaya sa iyo kapag malungkot ka.

No comments:

Popular Posts