Ang panitikan ay ang pagsulat ng tuwiran at patula. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na anyo , pananaw at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan. Nagsasalaysay ng buhay pamumuhay, lipunan pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
Saan nanggaling ang salitang panitikan?
Nanggaling ang salitang panitikan mula sa "pang/titik/an", kung saan ikinabit ang unlaping pang- at hulaping -an sa ugat na titik. Ang may-bahid panitikan.
Ano ang kahalagahan ng panitikan?
Malaki ang kontribusyon/kahalagan ng Panitikan sa kasaysayan dahil dito natin makikita kung ano ang buhay ng mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, nobela, kantahin o talumpati naglalaman kung ano ang obserbasyon ng mga may-akda sa kanilang paligid at sa kanilang mga buhay.
Ano ang layunin ng panitikan?
- Ang layunin ng panitikan ay may lahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talentado atbp.
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalangalang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.
Anu-ano ang mga sangay ng panitikan?
Dalawa ang sangay ng panitikan: ang mga kathang-isip at ang mga hindi kathang-isip na mga sulatin at basahin. Para sa kathang isip, ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. Para sa pangalawang uri ng panitikan, bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan.
No comments:
Post a Comment